Add parallel Print Page Options

Umaawit sila ng awit ni Moises na lingkod ng Dios, na siya ring awit ng Tupa. Ito ang awit nila:

    “Panginoong Dios na makapangyarihan sa lahat,
    kahanga-hanga ang inyong mga gawa!
    Hari kayo ng lahat ng bansa,
    ang mga pamamaraan ninyo ay makatarungan at tama!
Sino ang hindi matatakot at hindi magpupuri sa inyo?
    Kayo lang ang banal.
    Lalapit at sasamba sa inyo ang mga tao sa lahat ng bansa,
    sapagkat nakita na ng lahat ang matuwid ninyong gawa.”

Pagkatapos nito, nakita ko na bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Sambahan, kung saan nakalagay ang Kautusan.

Read full chapter