Font Size
Pahayag 15:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pahayag 15:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Inaawit(A) nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero:
“Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa!
O Hari ng mga bansa[a],
matuwid at totoo ang iyong mga paraan!
4 Sino(B) ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon?
Sino ang hindi magpupuri sa iyong pangalan?
Ikaw lamang ang banal!
Lahat ng mga bansa ay lalapit
at sasamba sa iyo,
sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.”
5 Pagkatapos(C) nito'y nakita ko ring bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Tipanan.
Read full chapterFootnotes
- 3 Hari ng mga bansa: Sa ibang manuskrito'y Hari sa lahat ng panahon .