Add parallel Print Page Options

Pagkatapos (A) nito'y tumingin ako, at nabuksan sa langit ang templo ng tolda ng patotoo. At lumabas mula sa templo ang pitong anghel na may pitong salot, na nakabihis ng dalisay at makinang na lino, at may mga gintong bigkis sa kanilang dibdib. Isa sa apat na buhay na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong gintong mangkok na puno ng poot ng Diyos, siya na nabubuhay magpakailanpaman.

Read full chapter