Font Size
Pahayag 16:14-16
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 16:14-16
Ang Salita ng Diyos
14 Sila ay ang mga espiritu ng mga demonyo na gumagawa ng mga tanda, na lumabas patungo sa mga hari sa lupa at patungo sa mga tao sa buong daigdig. Sila ay nagtungo roon upang tipunin silang sama-sama sa labanan ng dakilang araw na iyon ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
15 Narito, ako ay dumarating na katulad ng isang magnanakaw. Pinagpala ang mananatiling gising sa pagbabantay at nag-iingat ng kaniyang mga damit. Sa ganitong paraan, siya ay hindi maglalakad ng hubad at hindi makikita ng mga tao ang kaniyang kahihiyan.
16 At tinipon silang sama-sama sa dakong tinatawag ng mga tao na Armagedon sa wikang Hebreo.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International