Add parallel Print Page Options

Ang mabangis na hayop na iyong nakita ay ang sa nakaraan ngunit hindi ang sa ngayon. Siya ay aahon mula sa walang hanggang kalaliman at patungo sa kapahamakan. Ang mga taong nana­nahan sa lupa, sila na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay simula pa nang itatag ang sanlibutan, ay mama­mangha patungkol sa mabangis na hayop, kapag nakita nila ang mabangis na hayop na ito, na siyang sa nakaraan ngunit hindi ang sa ngayon at siyang darating pa.

Dito ay kailangan ang isang kaisipan na may karu­nungan: Ang pitong ulo ay kumakatawan sa pitong mga bundok na kinauupuan ng babae. 10 May pitong mga hari roon. Lima sa kanila ang bumagsak. Ang isa ay sa ngayon. Ang isa ay hindi pa dumating. At kapag siya ay dumating, siya ay kailangang mananatili sa sandaling panahon.

Read full chapter