Font Size
Pahayag 18:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 18:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Ibalik (A) ninyo sa kanya kung ano'ng ibinigay niya,
at bayaran ninyo siya ng doble sa kanyang mga gawa;
sa pinaghaluan niyang kopa, ipaghalo ninyo siya ng doble.
7 Gaya (B) ng pagpaparangal niya sa kanyang sarili at kaluhuan,
ganoon din karaming pahirap at pighati ang ibigay ninyo sa kanya.
Sapagkat sinasabi niya sa kanyang puso,
‘Nakaupo akong isang reyna,
hindi ako isang balo,
at kailanma'y hindi ko malalasap ang dalamhati.’
8 Dahil dito ay darating ang mga salot sa kanya sa loob ng isang araw—
kamatayan, pagluluksa, taggutom—
at siya'y susunugin sa apoy;
sapagkat ang Panginoong Diyos na humatol sa kanya ay makapangyarihan.”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.