Add parallel Print Page Options

10 At ako ay nagpatirapa sa harapan ng kaniyang mg paa upang sambahin siya. At sinabi niya: Huwag mong gawin iyan. Ako ay kapwa mo alipin at kapatid mong lalaki na taglay ang patotoo ni Jesus. Sambahin mo ang Diyos sapagkat ang patotoo tungkol kay Jesus ay ang espiritu ng paghahayag.

Ang Nakasakay sa Kabayong Puti

11 Nang bumukas ang langit, narito, nakita ko ang isang puting kabayo. At ang nakaupo roon, ay tinawag na Tapat at Totoo. Siya ay humahatol at nakikipagdigma ng matuwid.

12 Ang kaniyang mga mata ay katulad ng alab ng apoy. Sa kaniyang ulo ay nakasuot ang maraming koronang panghari at nakasulat ang kaniyang pangalan na walang sinumang naka­kaalam maliban sa kaniyang sarili.

Read full chapter