Add parallel Print Page Options

17 At aking nakita ang isang anghel na nakatayo sa araw. Siya ay sumigaw ng isang malakas na tinig. Siya ay nagsalita sa lahat ng mga ibon na lumilipad sa gitna ng langit at sinabi niya: Lumapit kayo at magtipun-tipon sa hapunan ng dakilang Diyos. 18 Ito ay upang kainin ang laman ng mga hari at laman ng mga pinunong-kapitan at laman ng mga malalakas na tao, ang laman ng mga kabayo, laman ng mga nakaupo rito, laman ng lahat ng mga taong malaya at mga alipin o mga hindi dakila at mga dakila.

19 At nakita ko ang mabangis na hayop at ang mga hari sa lupa at kanilang mga hukbo. Sama-sama silang nagtipon upang makipagdigma laban sa kaniya na nakaupo sa kabayo na kasama ang kaniyang hukbo.

Read full chapter