Add parallel Print Page Options

18 Ito ay upang kainin ang laman ng mga hari at laman ng mga pinunong-kapitan at laman ng mga malalakas na tao, ang laman ng mga kabayo, laman ng mga nakaupo rito, laman ng lahat ng mga taong malaya at mga alipin o mga hindi dakila at mga dakila.

19 At nakita ko ang mabangis na hayop at ang mga hari sa lupa at kanilang mga hukbo. Sama-sama silang nagtipon upang makipagdigma laban sa kaniya na nakaupo sa kabayo na kasama ang kaniyang hukbo. 20 At nahuli niya ang mabangis na hayop na kasama ang bulaang propeta na siyang gumawa ng mga tanda sa harap niya. Sa pamamagitan nito, nailigaw niya yaong mga tumanggap ng tatak ng mabangis na hayop at yaong mga sumasamba sa kaniyang pangalan. Inihagis niyang buhay ang dalawa sa lawa ng apoy na nagniningas sa asupre.

Read full chapter