Font Size
Pahayag 2:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 2:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Mensahe para sa Efeso
2 “Sa anghel ng iglesya ng Efeso, isulat mo: Ito ang sinasabi niya na may hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay, na naglalakad sa gitna ng pitong gintong ilawan: 2 ‘Alam ko ang iyong mga gawa, ang iyong pagpapagal at ang iyong pagtitiis. Alam kong hindi mo kayang palampasin ang masasama. Sinubok mo ang mga nag-aangking sila ay mga apostol, ngunit hindi pala at natuklasan mong sila'y mga huwad. 3 Ikaw rin ay matiyagang nagpapatuloy at nagpapasakit alang-alang sa aking pangalan, at hindi ka nanlupaypay.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.