Add parallel Print Page Options

10 Huwag kayong matakot sa mga paghihirap na malapit na ninyong danasin. Tandaan ninyo: Ipapabilanggo ni Satanas ang ilan sa inyo upang subukan kayo. Daranas kayo ng pang-uusig sa loob ng sampung araw. Manatili kayong tapat hanggang kamatayan, at gagantimpalaan ko kayo ng buhay na walang hanggan.

11 “Kayong nakikinig, pag-isipan ninyong mabuti ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesya.

“Ang magtatagumpay ay hindi makakaranas ng ikalawang kamatayan.”

Ang Sulat para sa Iglesya sa Pergamum

12 “Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Pergamum:

“Ito ang mensahe ng may hawak ng matalas na espada na dalawa ang talim:

Read full chapter