Add parallel Print Page Options

10 Huwag kang matakot sa mga pag-uusig na malapit mo nang danasin. Makinig ka! Ipabibilanggo ng diyablo ang ilan sa inyo bilang pagsubok; magdurusa kayo sa loob ng sampung araw. Manatili kang tapat hanggang kamatayan, at gagantimpalaan kita ng korona ng buhay.

11 “Ang(A) lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!

“Ang magtatagumpay ay hindi masasaktan ng pangalawang kamatayan.”

Ang Mensahe para sa Iglesya sa Pergamo

12 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Pergamo:

“Ito ang sinasabi ng may hawak ng matalas na tabak na sa magkabila'y may talim.

Read full chapter