Font Size
Pahayag 2:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pahayag 2:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 “Ang(A) lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
“Ang magtatagumpay ay hindi masasaktan ng pangalawang kamatayan.”
Ang Mensahe para sa Iglesya sa Pergamo
12 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Pergamo:
“Ito ang sinasabi ng may hawak ng matalas na tabak na sa magkabila'y may talim. 13 Alam ko kung saan ka nakatira, sa kinaroroonan ng trono ni Satanas. Gayunma'y nananatili kang tapat sa akin. Hindi mo tinalikuran ang iyong pananampalataya sa akin kahit noong si Antipas na tapat kong lingkod ay patayin diyan sa kalagitnaan ninyo sa lugar na tinitirhan ni Satanas.
Read full chapter