Add parallel Print Page Options

Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Tiatira

18 Sumulat ka sa anghel ng iglesiya sa Tiatira:

Ako na Anak ng Diyos ang nagsasabi ng mga bagay na ito: Ang aking mga mata ay katulad ng alab na apoy.Ang aking mga paa ay katulad ng makinang na tanso.

19 Nalalaman ko ang iyong mga gawa at ang iyong pag-ibig at ang iyong paglilingkod. Nalalaman ko ang inyong pananampalataya at pagtitiis. Alam ko ang huli mong mga gawa ay higit kaysa sa mga nauna mong mga gawa.

20 Mayroon akong ilang bagay laban sa iyo dahil pinahintulutan mo ang babaeng si Jezebel, na tinawag niya ang kaniyang sarili na babaeng propeta. Siya ay nagtuturo at inililigaw ang aking mga alipin upang sila ay makiapid at kumain ng mga inihain sa diyos-diyosan.

Read full chapter