Add parallel Print Page Options

23 Ang lungsod ay hindi nangailangan ng araw o buwan upang magliwanag dito sapagkat ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbigay-liwanag dito. Ang Kordero ay ang ilawan nito. 24 Ang mga bansa ng mga iniligtas ng Diyos ay maglalakad sa liwanag nito. Ang mga hari sa lupa ay magbibigay ng kanilang kaluwalhatian at karangalan dito. 25 Kailanman ay hindi isasara ang tarangkahan nito sa araw sapagkat wala ng gabi roon.

Read full chapter