Font Size
Pahayag 22:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pahayag 22:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Sinasabi(A) ng Espiritu at ng babaing ikakasal, “Halikayo!”
Lahat ng nakakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!”
Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito'y walang bayad.
Pagwawakas
18 Akong(B) si Juan ay nagbibigay ng babala sa sinumang makarinig sa mga propesiya na nasa aklat na ito: sa sinumang magdaragdag sa nilalaman ng aklat na ito ay idaragdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat dito. 19 Ang sinumang mag-alis ng anuman sa mga salita ng aklat ng propesiyang ito, ay aalisan ng Diyos ng karapatang makibahagi sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay at sa Banal na Lungsod na binabanggit dito.
Read full chapter