Font Size
Pahayag 22:19-21
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 22:19-21
Ang Salita ng Diyos
19 Kung binawasan ng sinuman ang mga salita sa aklat ng pahayag na ito, aalisin ng Diyos ang kaniyang bahagi sa aklat ng buhay. Aalisin din ang kaniyang bahagi sa banal na lungsod at mula sa mga bagay na isinulat sa aklat na ito.
20 Siya na nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsabi: Oo, ako ay malapit nang dumating.
Siya nawa. Oo, Panginoong Jesus, dumating ka na.
21 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay mapasainyo nawang lahat. Siya nawa!
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International