Add parallel Print Page Options

Ang Sulat para sa Iglesya sa Sardis

“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Sardis:

“Ito ang mensahe ng may pitong Espiritu ng Dios[a] at may hawak na pitong bituin: Alam ko ang mga ginagawa ninyo. Marami ang nagsasabi na buhay na buhay ang pananampalataya nʼyo sa akin, ngunit ang totoo, para kayong patay. Gumising kayo at pasiglahin ang natitira ninyong pananampalataya, para hindi tuluyang mamatay. Dahil nakikita ko na ang mga gawa nʼyo ay hindi pa ganap sa paningin ng aking Dios.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:1 pitong Espiritu ng Dios: Tingnan ang “footnote” sa 1:4-5.