Add parallel Print Page Options

10 Dahil tinupad mo ang aking salita na ikaw ay dapat maging matiisin, iingatan kita sa panahong ito ng pagsubok na darating na sa mga tao sa buong sanlibutan upang subukin ang mga naninirahan sa lupa.

11 Narito, darating na ako agad. Panghawakan mo ang anumang iyong tinataglay upang walang sinumang makakuha ng iyong gantimpalang putong. 12 Ang magta­tagumpay ay gagawin kong isang haligi sa banal na dako ng aking Diyos. Siya ay hindi na lalabas kailanman. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababang galing sa langit mula sa aking Diyos. Isusulat ko sa kaniya ang bago kong pangalan.

Read full chapter