Font Size
Pahayag 3:16-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 3:16-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 Kaya dahil ikaw ay maligamgam, hindi malamig ni mainit man, iluluwa kita. 17 Sapagkat sinasabi mo, ‘Mayaman ako, masagana, at wala nang kailangan pa.’ Hindi mo alam na ikaw ay aba, kawawa, dukha, bulag, at hubad. 18 Kaya't, pinapayuhan kita na bumili sa akin ng gintong dinalisay sa apoy para yumaman ka, at ng puting kasuotan na maidadamit sa iyo upang hindi malantad ang nakahihiya mong kahubaran, at bumili ka rin ng gamot na pampahid sa iyong mga mata upang makakita ka.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.