Add parallel Print Page Options

Magbantay ka. Palakasin mo ang mga bagay na natitira na malapit nang mamatay sapagkat nasumpungan ko na ang inyong mga gawa ay hindi ganap sa paningin ng Diyos. Kaya nga, alalahanin mo kung papaano ka tumanggap at nakinig. Tuparin mo ito at magsisi ka. Kaya nga, kung hindi ka magbantay, ako ay paririyan sa iyo katulad ng isang magnanakaw. Kailanman ay hindi mo malalaman kung anong oras ako paririyan sa iyo.

Mayroon kang ilang tao sa Sardis na hindi narumihan ang kanilang mga kasuotan. Sila ay kasama kong lalakad na nararamtan ng maputing damit dahil sila ay karapat-dapat.

Read full chapter