Font Size
Pahayag 4:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 4:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Pagkatapos nito ay tumingin ako, at doon sa langit ay may isang pintong nakabukas! Ang unang tinig na narinig kong nagsasalita sa akin ay parang isang trumpeta, na nagsasabi, “Umakyat ka rito at ipakikita ko sa iyo kung ano ang kailangang mangyari pagkatapos ng mga bagay na ito.” 2 At (A) agad akong kinasihan ng espiritu, at doon sa langit ay may isang tronong may nakaupo! 3 At ang nakaupo doon ay nagniningning tulad ng batong jasper at sardio, at sa paligid ng trono ay may bahagharing parang esmeralda.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.