Add parallel Print Page Options

Ang Trono sa Langit

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako. Narito, ang isang bukas na pinto sa langit. At ang unang tinig na aking narinig ay katulad ng isang trumpeta na nagsasalita sa akin. Sinabi nito: Umakyat ka rito. Ipapakita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari pagkatapos ng mga bagay na ito.

Kaagad, ako ay nasa Espiritu at narito, isang trono ang naroon sa langit at isang nakaupo sa trono. Ang siya na nakaupo ay katulad sa isang batong haspe at isang sardonise. Isang bahaghari ang nakapalibot sa trono na katulad ng isang esmeralda.

Read full chapter