Add parallel Print Page Options

At nakita, narito, isang Kordero ang nakatayong katulad niyaong pinatay sa gitna ng trono at sa kanilang apat na nilalang at sa gitna ng mga matanda. Siya ay may pitong sungay at pitong mga mata na ang mga ito ay ang pitong Espiritu ng Diyos na sinugo sa lahat ng lupa. At siya ay dumating at kinuha ang balumbon mula sa kanang kamay ng nakaupo sa trono.

Nang kunin niya ang balumbon, ang apat na buhay na nilalang at ang dalawampu’t apat na mga matanda ay may mga alpa at mga gintong mangkok na pinuno ng kamangyan na ito ang mga panalangin ng mga banal.

Read full chapter