Font Size
Pahayag 6:5-7
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 6:5-7
Ang Salita ng Diyos
5 Nang buksan ng Kordero ang ikatlong selyo, narinig ko ang ikatlong buhay na nilalang na nagsasabi: Halika at tingnan mo. At nakita ko, narito, ang isang itim na kabayo. Ang nakaupo rito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay. 6 At narinig ko ang isang tinig sa kalagitnaan ng apat na buhay na nilalang na nagsasabi: Gawin mo na ang halaga ng isang takal ng trigo ay isang denaryo at ang tatlong takal na sebada na isang denaryo. Huwag mong pinsalain ang langis at alak.
7 At nang binuksan niya ang ikaapat na selyo, narinig ko ang tinig ng ikaapat na buhay na nilalang na nagsasabi: Halika at tingnan mo.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International