Font Size
Pahayag 7:9-11
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 7:9-11
Ang Salita ng Diyos
Ang Maraming Taong Nakasuot ng Puting Damit
9 Pagkatapos kong makita ang mga bagay na ito, narito,ang napakaraming taong naroroon na walang sinumang makakabilang sa kanila. Sila ay mula sa bawat bansa, bawat lipi at bawat wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at sa harap ng Kordero. Sila ay nakasuot ng maputing damit at may hawak na mga palaspas.
10 Sila ay sumisigaw ng isang malakas na tinig. Sinabi nila:
Ang kaligtasan ay sa kaniya na nakaupo sa trono at sa Kordero.
11 At ang lahat ng anghel at mga matanda at ang apat na kinapal na buhay ay nakatayo sa palibot ng trono. Sila ay nagpatirapa sa harap ng trono at sinamba ang Diyos.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International