Add parallel Print Page Options

Ang Pitong Trumpeta

(A) Ang pitong anghel na may pitong trumpeta ay humanda upang hipan ang mga ito.

Hinipan (B) ng unang anghel ang kanyang trumpeta, at nagkaroon ng yelo at apoy, na may halong dugo. Itinapon ang mga ito sa lupa. Nasunog ang ikatlong bahagi ng lupa at ng mga puno. Ang lahat ng luntiang damo ay nasunog din.

Hinipan ng ikalawang anghel ang kanyang trumpeta, at itinapon sa dagat ang isang tulad ng malaking bundok na nagliliyab sa apoy.

Read full chapter