Font Size
Pahayag 9:17-19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 9:17-19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
17 Sa (A) aking pangitain ay nakakita ako ng mga kabayo: na ang mga nakasakay ay may mga baluting kulay apoy, jacinto, at asupre. Ang ulo ng mga kabayo ay tulad ng sa mga leon, at mula sa kanilang mga bibig ay may lumalabas na apoy, usok, at asupre. 18 Mula sa tatlong salot na ito, ikatlong bahagi ng sangkatauhan ang napatay sa pamamagitan ng apoy, usok, at asupreng lumalabas mula sa bibig nila. 19 Sapagkat ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang mga bibig at mga buntot. Ang mga buntot nila ay parang mga ahas; may mga ulo ito, at sa pamamagitan ng mga ito'y nakapamiminsala sila.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.