Add parallel Print Page Options

18 Mula sa tatlong salot na ito, ikatlong bahagi ng sangkatauhan ang napatay sa pamamagitan ng apoy, usok, at asupreng lumalabas mula sa bibig nila. 19 Sapagkat ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang mga bibig at mga buntot. Ang mga buntot nila ay parang mga ahas; may mga ulo ito, at sa pamamagitan ng mga ito'y nakapamiminsala sila.

20 Ang (A) natirang sangkatauhan na hindi napatay ng mga salot na ito ay hindi nagsisi sa mga likha ng kanilang mga kamay, at hindi rin tumigil sa pagsamba sa demonyo at sa mga diyus-diyosang yari sa ginto, pilak, tanso, bato, at kahoy, na hindi naman nakakakita, nakaririnig ni nakakalakad.

Read full chapter