Add parallel Print Page Options

Binuksan (A) niya ang hukay ng kalaliman, at mula roon lumabas ang usok na parang usok ng isang malaking pugon. Nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay. At (B) mula sa usok ay lumabas sa lupa ang mga balang, at binigyan sila ng kapangyarihan gaya ng sa mga alakdan ng lupa. Sinabihan (C) sila na huwag pinsalain ang damo ng lupa o anumang luntiang halaman o punongkahoy, kundi ang mga tao lang na walang tatak ng Diyos sa kanilang mga noo.

Read full chapter