Add parallel Print Page Options

At binuksan niya ang walang hanggang kalaliman. Pumailanlang ang usok na lumabas mula sa kalalim-lalimang hukay katulad ng usok na nagmumula sa isang napakalaking pugon. Ang araw at ang hangin ay dumilim dahil sa usok. Buhat sa usok ay lumabas ang mga balang sa ibabaw ng lupa. Binigyan sila ng kapamahalaang katulad ng kapamahalaang taglay ng mga alakdan sa lupa. At sinabi sa kanila na huwag nilang pipinsalain ang mga damo sa lupa o anumang bagay na luntian at ang mga punong-kahoy. Ang pipinsalain lamangnila ay ang mga taong walang tatak ng Diyos sa kanilang noo.

Read full chapter