Add parallel Print Page Options

Sinabihan (A) sila na huwag pinsalain ang damo ng lupa o anumang luntiang halaman o punongkahoy, kundi ang mga tao lang na walang tatak ng Diyos sa kanilang mga noo. Sila'y pinayagang pahirapan ang mga taong ito sa loob ng limang buwan, ngunit hindi sila pinayagang patayin ang mga ito. Ang pagpapahirap nila ay tulad ng pagpapahirap ng isang alakdan kapag kumagat ito sa tao. Sa (B) mga araw na iyon, nanaisin ng mga tao ang mamatay, subalit hinding-hindi ito mangyayari sa kanila. Maghahangad silang mamatay, ngunit lalayuan sila ng kamatayan.

Read full chapter