Add parallel Print Page Options

At sinabi sa kanila na huwag nilang pipinsalain ang mga damo sa lupa o anumang bagay na luntian at ang mga punong-kahoy. Ang pipinsalain lamangnila ay ang mga taong walang tatak ng Diyos sa kanilang noo. Hindi sila binigyan ng pahintulot na patayin ang mga tao. Pahihirapan lamang nila sila sa loob ng limang buwan. Ang pagpapahirap na ito ay katulad ng sakit na nararanasan ngtaong kinagat ng alakdan. Sa mga araw na iyon, hahanapin ng mga tao ang kamatayan ngunit hindi nila matatagpuan. Magpapakamatay sila ngunit lalayuan sila ng kamatayan.

Read full chapter