Font Size
Pahayag 9:9-11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 9:9-11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
9 (A) May mga kaliskis sila na parang baluting bakal, at ang ingay ng kanilang pakpak ay parang ingay ng napakaraming karwahe ng mga kabayong sumusugod sa labanan. 10 May mga buntot at panusok sila na tulad ng sa mga alakdan. Nasa mga buntot nila ang kapangyarihang puminsala sa mga tao nang limang buwan. 11 Mayroon silang hari, ang anghel ng walang hanggang kalaliman. Ang kanyang pangalan ay Abadon sa Hebreo, at Apolyon naman sa Griyego.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.