Add parallel Print Page Options

May mga baluti sila sa dibdib na katulad ng mga baluting bakal. Ang ugong ng kanilang mga pakpak ay katulad ng ugong ng mga karuwahe ng mga kabayong dumadaluhong sa labanan. 10 May mga buntot sila at tibo na katulad ng mga alakdan. May kapamahalaan silang saktan ang tao sa loob ng limang buwan. 11 Mayroon silang hari na namumuno sa kanila. Siya ay ang anghel sa walang hanggang kalaliman. Ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abadon.[a] Sa wikang Griyego ito ay Apolyon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Pahayag 9:11 Ang ibig sabihin ng Abadon at Apolyon ay nananahulugang ang maninira.