Add parallel Print Page Options

Malungkot ang mga landas patungong Jerusalem, pagkat wala nang dumadalo sa kanyang mga takdang kapistahan.
    Wala nang nagdaraan sa kanyang mga pintuang-bayan; dumaraing at nagbubuntong-hininga ang kanyang mga pari,
    pinagmamalupitan ang mga dalagang mang-aawit sa templo. Napakapait ng sinapit niya!

Naging panginoon niya ang kanyang mga kaaway,
    pinapaghirap siya ni Yahweh dahil sa marami niyang kasalanan.
    Wala na ang kanyang mga anak, sila'y dinalang-bihag ng kaaway.

Naparam na ang karangyaan ng Jerusalem.
    Ang kanyang mga pinuno'y parang mga usang di makasumpong ng pastulan;
    nanghihina na sa pag-iwas sa mga humahabol sa kanila.

Read full chapter