Add parallel Print Page Options

11 Namumugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Bagbag na bagbag ang aking kalooban.
    Matindi ang pagdadalamhati ko dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan;
    nakahandusay sa mga lansangan ang mga bata at ang mga sanggol.

12 Nag-iiyakan sila at patuloy na humihingi ng pagkain at inumin.
    Nanlulupaypay sila na parang mga sugatan sa mga lansangan.
    Unti-unting nangangapos ang mga hininga sa kandungan ng kanilang mga ina.

13 Ano ang masasabi ko sa iyo, O Jerusalem, Jerusalem, lunsod na pinakamamahal ko?
    Saan kita maitutulad upang ika'y aking maaliw?
    Sapagkat sinlawak ng dagat ang iyong kasiraan; tila wala nang pag-asa.

Read full chapter