Add parallel Print Page Options

Ngayo'y mukha nila'y sing-itim ng alkitran, kanilang mga bangkay sa Jerusalem ay naghambalang.
    Nangulubot na ang kanilang balat, parang kahoy na natuyo ang kanilang mga buto.

Mabuting di hamak ang masawi ka sa digmaan kaysa naman sa gutom ikaw ay mamatay;
    at dahil walang makain, labis kang nanghina.

10 Kalagim-lagim(A) ang naging bunga ng kapahamakang sinapit ng aking bayan.
    Upang ang ina ay may makain, kanilang supling ang siyang isinaing.

Read full chapter