Add parallel Print Page Options

Pagtulad sa Pagpapakababa ni Cristo

Yamang mayroon kayong kalakasan ng loob kay Cristo, mayroon kayong kaaliwan sa kaniyang pag-ibig, mayroon kayong pakikipag-isa sa kaniyang Espiritu, mayroon kayong pagmamalasakit at kaawaan.

Lubusin nga ninyo angaking kagalakan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang kaisipan, ng iisang pag-ibig, ng iisang kalooban at ngiisang pag-iisip. Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o pagpapalalo. Sa halip, sa kapakumbabaan ng pag-iisip, ituring ninyo na ang iba ay higit na mabuti kaysa sa inyo. Huwag hanapin ng isa’t isa ang ikabubuti ng kaniyang sarili lang kundi ang ikabubuti rin naman ng iba.

Read full chapter

Ang Pagpapakumbaba ni Cristo

Kaya't kung may anumang pampalakas ng loob na nagmumula kay Cristo, kung may anumang pampasiglang dulot ng pag-ibig, kung may anumang pagsasamahang mula sa Espiritu, kung may anumang pagmamalasakit at habag, lubusin ninyo ang aking kagalakan. Magkaisa kayo sa pag-iisip, mabuklod kayo ng iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa diwa at layunin. Huwag ninyong gawin ang anuman dahil sa pansariling hangarin o dahil sa kayabangan. Sa halip, magpakumbaba kayo at ituring ang iba na mas mahalaga kaysa inyong sarili. Pahalagahan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang kapakanan ng inyong sarili.

Read full chapter