Add parallel Print Page Options

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

10 (A)Mga kawikaan ni Salomon.

Ang (B)pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama:
Nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina.
(C)Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan:
Nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
Hindi titiisin (D)ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid:
Nguni't kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama.
Siya'y nagiging dukha na gumagawa (E)ng kamay na walang kasipagan:
Nguni't yumayaman ang kamay ng masipag.
Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak:
Nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya.
Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid:
Nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
(F)Ang alaala sa ganap ay pinagpapala:
Nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam.
Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos:
Nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.
Siyang lumalakad ng matuwid ay lumalakad na tiwasay:
Nguni't siyang sumisira ng kaniyang mga lakad ay makikilala.
10 (G)Siyang kumikindat ng mata ay nagpapapanglaw:
Nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.
11 Ang bibig ng matuwid, ay (H)bukal ng kabuhayan:
Nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
12 Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan:
(I)Nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang.
13 Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan:
Nguni't ang pamalo ay sa likod ng walang unawa.
14 Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman:
Nguni't ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak.
15 Ang kayamanan ng mayaman (J)ay ang kaniyang matibay na bayan:
Ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan.
16 Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay;
Ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala.
17 (K)Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway:
Nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali.
18 Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi;
At (L)siyang nagpaparatang ay mangmang.
19 Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang:
Nguni't (M)siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan.
20 Ang dila ng matuwid ay parang piling pilak:
Ang puso ng masama ay kaunti ang halaga.
21 Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami:
Nguni't ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa.
22 (N)Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman,
At hindi niya idinadagdag ang kapanglawan.
23 Isang paglilibang sa mangmang ang (O)paggawa ng kasamaan:
At gayon ang karunungan sa taong naguunawa.
24 (P)Ang takot ng masama ay darating sa kaniya:
(Q)At ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob.
25 Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang (R)masama:
Nguni't ang (S)matuwid ay walang hanggang patibayan.
26 Kung paano ang suka sa mga ngipin, at kung paano ang usok sa mata,
Gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kaniya.
27 (T)Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan:
(U)Nguni't ang mga taon ng masama ay mangangaunti.
28 Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan:
(V)Nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala.
29 Ang daan ng Panginoon ay katibayan sa matuwid;
(W)Nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.
30 (X)Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man:
(Y)Nguni't ang masama ay hindi tatahan sa lupain.
31 (Z)Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan:
Nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay.
32 Nalalaman ng mga labi ng matuwid ang nakalulugod:
Nguni't ang bibig ng masama ay nagsasalita ng karayaan.

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

11 Ang marayang (AA)timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran.
Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan:
Nguni't nasa mababa ang karunungan.
Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila:
Nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.
Ang mga kayamanan ay (AB)walang kabuluhan sa kaarawan ng poot:
Nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad:
Nguni't mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan.
Ang katuwiran ng mga matuwid ay magliligtas sa kanila:
Nguni't (AC)silang gumagawang may karayaan ay madadakip sa kanilang sariling kasamaan.
Pagka ang masamang tao ay namamatay, ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak;
At ang pagasa ng masama ay nawawala.
(AD)Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan,
At ang masama ay dumarating na kahalili niya.
Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa:
Nguni't sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid.
10 (AE)Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak:
At pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan.
11 Nabubunyi ang bayan (AF)sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid:
Nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama.
12 Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan:
Nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik.
13 (AG)Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim:
Nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay.
14 (AH)Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak:
Nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan.
15 (AI)Siyang nananagot sa di kilala, ay mapapariwara:
Nguni't siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay.
16 Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan:
At ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan.
17 Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti (AJ)sa kaniyang sariling kaluluwa:
Nguni't ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman.
18 Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod:
Nguni't (AK)ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala.
19 Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay:
(AL)At siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay.
20 Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kaniyang kaluguran.
21 (AM)Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan:
Nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas.
22 Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy,
Gayon ang magandang babae na walang bait.
23 Ang nasa ng matuwid ay buti lamang:
Nguni't ang hintay ng masama ay poot.
24 May (AN)nagsasabog, at tumutubo pa,
At may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan.
25 (AO)Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba:
(AP)At siyang dumidilig ay madidilig din.
26 (AQ)Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan:
Nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon.
27 Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap:
(AR)Nguni't siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak.
28 (AS)Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal:
(AT)Nguni't ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon.
29 Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay (AU)magmamana ng hangin:
At ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso.
30 Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay;
At (AV)siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.
31 (AW)Narito, ang matuwid ay gagantihin sa lupa:
Gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan!

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

12 Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman:
Nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal.
(AX)Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon:
Nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha.
Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan:
(AY)Nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos.
(AZ)Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa:
Nguni't siyang nakahihiya ay parang (BA)kabulukan sa kaniyang mga buto.
Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap:
Nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya.
(BB)Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo:
Nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid.
Ang masama ay (BC)inilulugmok at nawawala:
Nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo.
Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan:
Nguni't ang masama sa puso ay hahamakin.
Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin,
Kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay.
10 (BD)Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop:
Nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.
11 (BE)Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay:
Nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa.
12 Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao:
Nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga.
13 Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao:
(BF)Nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan.
14 (BG)Ang tao ay (BH)masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig;
At ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya.
15 (BI)Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata:
Nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo.
16 (BJ)Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala:
Nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan.
17 Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran,
Nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya.
18 (BK)May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak:
Nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan.
19 Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man.
(BL)Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang.
20 Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan:
Nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan.
21 (BM)Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid:
Nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan.
22 (BN)Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.
23 (BO)Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman:
Nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan.
24 (BP)Ang kamay ng masipag ay magpupuno:
Nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag.
25 (BQ)Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot;
Nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya.
26 Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa:
Nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw.
27 Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan;
Nguni't ang mahalagang pagaari ng tao ay sa mga masisipag.
28 Nasa daan ng katuwiran ang buhay;
At sa kaniyang landas ay walang kamatayan.

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

13 Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama:
(BR)Nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.
Ang tao ay kakain ng mabuti ayon (BS)sa bunga ng kaniyang bibig:
Nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan,
(BT)Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay:
Nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.
Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman:
Nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba.
Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling:
Nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya.
Bumabantay (BU)ang katuwiran sa matuwid na lakad;
Nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan.
(BV)May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman:
(BW)May nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan.
Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan:
Nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta.
Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak:
(BX)Nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin.
10 Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang:
Nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi.
11 Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay (BY)huhupa:
Nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan.
12 Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso:
(BZ)Nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay.
13 (CA)Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili:
Nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin.
14 (CB)Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay,
Upang lumayo sa mga silo ng kamatayan.
15 Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap:
Nguni't ang lakad ng mananalangsang ay mahirap.
16 Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman:
Nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan.
17 Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan:
Nguni't ang tapat na (CC)sugo ay kagalingan.
18 Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway:
Nguni't (CD)siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri.
19 Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa:
Nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan.
20 Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas;
Nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.
21 (CE)Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan;
Nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti.
22 Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak;
(CF)At ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid.
23 Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha:
Nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan.
24 (CG)Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak:
Nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsanminsan.
25 (CH)Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa;
Nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan.

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

14 Bawa't (CI)pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay:
Nguni't binubunot ng mangmang, ng kaniyang sariling mga kamay.
(CJ)Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon:
Nguni't siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya.
Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan:
Nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon.
Kung saan walang baka, ang bangan ay malinis:
Nguni't ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka.
(CK)Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan:
Nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan.
(CL)Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan:
Nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa.
Paroon ka sa harapan ng taong mangmang,
At hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman:
Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad:
Nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan.
(CM)Ang mangmang ay tumutuya sa sala:
Nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban.
10 Nalalaman ng puso ang kaniyang sariling kapaitan;
At ang tagaibang lupa ay hindi nakikialam ng kaniyang kagalakan.
11 (CN)Ang bahay ng masama ay mababagsak:
Nguni't ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad.
12 (CO)May daan na tila matuwid sa isang tao,
(CP)Nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.
13 Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw;
At (CQ)ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob.
14 Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog (CR)ng kaniyang sariling mga lakad:
At masisiyahang loob ang taong mabuti.
15 Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa't salita:
Nguni't ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad.
16 (CS)Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan:
Nguni't ang mangmang ay nagpapakilalang palalo, at timawa.
17 Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan:
At ang taong may masamang katha ay ipagtatanim.
18 Ang musmos ay nagmamana ng kamangmangan:
Nguni't ang mabait ay puputungan ng kaalaman.
19 Ang masama ay yumuyukod sa harap ng mabuti;
At ang masama ay sa mga pintuang-daan ng matuwid.
20 Ipinagtatanim (CT)ang dukha maging ng kaniyang kapuwa:
Nguni't ang mayaman ay maraming kaibigan.
21 Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala:
(CU)Nguni't siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya.
22 Hindi ba sila nagkakamali na kumakatha ng kasamaan?
Nguni't kaawaan at katotohanan ay sasa kanila na nagsisikatha ng mabuti.
23 Sa lahat ng gawain ay may pakinabang:
Nguni't ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan.
24 Ang putong ng mga pantas ay ang kanilang mga kayamanan:
Nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay kamangmangan lamang.
25 Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao:
Nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya.
26 Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala:
At ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan.
27 (CV)Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan,
Upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.
28 Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari:
Nguni't na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo.
29 (CW)Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa:
Nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan.
30 Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan:
Nguni't (CX)ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto.
31 (CY)Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa May-lalang sa kaniya.
Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya.
32 Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa:
Nguni't (CZ)ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan.
33 Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa:
Nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman.
34 Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa:
Nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan.
35 Ang lingap ng hari ay sa lingkod na gumagawa na may kapantasan:
Nguni't ang kaniyang poot ay magiging laban sa nakahihiya.

Iba't ibang kawikaan. Pinagparisparis ang matuwid at masama.

15 Ang (DA)malubay na sagot ay nakapapawi ng poot:
Nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit.
Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman:
Nguni't ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan.
(DB)Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako,
Na nagbabantay sa masama at sa mabuti.
(DC)Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay:
Nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.
Hinahamak (DD)ng mangmang ang saway ng kaniyang ama:
Nguni't siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan.
Sa bahay ng matuwid ay maraming kayamanan:
Nguni't sa mga pakinabang ng masama ay kabagabagan.
Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman:
Nguni't ang puso ng mangmang ay hindi gayon.
(DE)Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran.
Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't iniibig niya (DF)ang sumusunod sa katuwiran.
10 May mabigat na saway sa kaniya, na nagpapabaya ng lakad:
At (DG)siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay.
11 (DH)Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon:
Gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao!
12 Ayaw (DI)ang manglilibak na siya'y sawayin.
Siya'y hindi paroroon sa pantas.
13 (DJ)Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha:
Nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa.
14 Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman:
Nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan.
15 Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama:
(DK)Nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan.
16 (DL)Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon,
Kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan.
17 (DM)Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig,
Kay sa matabang baka at may pagtataniman.
18 (DN)Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo:
Nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan.
19 Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag:
Nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan.
20 Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama:
Nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina.
21 Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait:
Nguni't pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad.
22 Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala:
(DO)Nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag.
23 Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig:
At (DP)ang salita (DQ)sa ukol na panahon, ay anong pagkabuti!
24 Sa pantas ay paitaas (DR)ang daan ng buhay,
Upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba.
25 Bubunutin (DS)ng Panginoon ang bahay ng palalo:
Nguni't kaniyang itatatag ang hangganan (DT)ng babaing bao.
26 Ang mga masamang katha ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang mga maligayang salita ay dalisay.
27 Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan:
Nguni't siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay.
28 Ang puso ng matuwid ay (DU)nagbubulay ng isasagot:
Nguni't ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay.
29 Ang Panginoon ay malayo sa masama:
(DV)Nguni't kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid.
30 (DW)Ang liwanag ng mga mata ay nagpapagalak ng puso:
At ang mabubuting balita ay nagpapataba ng mga buto.
31 Ang taingang nakikinig sa saway ng buhay,
Ay tatahan sa gitna ng pantas.
32 Siyang tumatanggi sa saway ay humahamak sa kaniyang sariling kaluluwa:
Nguni't siyang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng kaawaan.
33 (DX)Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng (DY)karunungan;
At sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba.