Font Size
Mga Kawikaan 24:23-26
Ang Biblia (1978)
Mga Kawikaan 24:23-26
Ang Biblia (1978)
23 Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas.
(A)Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti.
24 (B)Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid;
Susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
25 Nguni't silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran,
At ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila.
26 Siya'y humahalik sa mga labi
Niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978