Font Size
Mga Kawikaan 26:23-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Kawikaan 26:23-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Ang matamis ngunit pakunwaring salita ay parang pintura ng mumurahing banga.
24 Ang tunay na damdamin ng mapagkunwari ay maitatago sa salitang mainam. 25 Matamis pakinggan ngunit huwag paniwalaan sapagkat iyon ay bunga ng kanyang pagkasuklam. 26 Maaaring ang galit niya'y maitago sa magandang paraan ngunit nalalantad din sa mata ng lahat.
27 Ang(A) nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.
28 Ang taong sinungaling ay galit sa kapwa. Ang madayang salita ay nagpapahamak sa iba.
Read full chapter