Font Size
Mga Kawikaan 31:19-22
Ang Biblia (1978)
Mga Kawikaan 31:19-22
Ang Biblia (1978)
19 Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid,
At ang kaniyang mga kamay ay humahawak ng panghabi.
20 (A)Iginagawad niya ang kaniyang kamay sa dukha:
Oo, iniaabot niya ang kaniyang mga kamay sa mapagkailangan.
21 Hindi niya ikinatatakot ang kaniyang sangbahayan sa niebe;
Sapagka't ang boo niyang sangbahayan ay nakapanamit ng mapulang mapula.
22 Gumagawa siya sa ganang kaniya ng mga unang may burda;
Ang kaniyang pananamit ay mainam na kayong lino at ng kayong kulay ube.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978