Mga Awit 109:6-15
Ang Biblia (1978)
6 (A)Lagyan mo ng masamang tao siya:
At tumayo nawa ang isang (B)kaaway sa kaniyang kanan.
7 (C)Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin;
At maging kasalanan nawa ang (D)kaniyang dalangin.
8 (E)Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan;
At kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
9 (F)Maulila nawa ang kaniyang mga anak,
At mabao ang kaniyang asawa.
10 (G)Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos;
At hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11 Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik;
At samsamin ng mga (H)taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12 Mawalan nawa ng maawa sa kaniya;
At mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13 Mahiwalay nawa ang (I)kaniyang kaapuapuhan;
Sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14 (J)Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang;
At huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15 Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon,
Upang ihiwalay (K)niya ang alaala sa kanila sa lupa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978