Mga Awit 136:10-24
Ang Biblia (1978)
10 (A)Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
11 (B)At kinuha ang Israel sa kanila: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
12 (C)Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
13 (D)Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
14 At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
15 (E)Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
16 (F)Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
17 (G)Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
18 (H)At pumatay sa mga bantog na hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
19 (I)Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
20 (J)At kay Og na hari sa Basan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
21 (K)At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana.
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
22 Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na (L)kaniyang lingkod:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
23 (M)Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
24 At iniligtas tayo sa ating mga kaaway:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978