Mga Awit 10-15
Ang Biblia (1978)
Panalangin upang mabuwal ang masama.
10 Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon?
Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan?
2 Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam;
(A)Mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.
3 Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso,
At ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon.
4 Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, Hindi niya sisiyasatin.
Lahat niyang pagiisip ay, (B)Walang Dios.
5 Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon;
(C)Ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin:
Tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila.
6 Sinasabi niya sa kaniyang puso, (D)Hindi ako makikilos:
Sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan.
7 (E)Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi:
Sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan.
8 Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon:
(F)Sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala;
Ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili.
9 (G)Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga:
Siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha:
Hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya.
10 Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit,
At ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas.
11 Sinasabi niya sa kaniyang puso: Ang Dios ay nakalimot:
(H)Kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man.
12 Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, (I)itaas mo ang iyong kamay:
Huwag mong kalimutan ang dukha.
13 Bakit sinusumpa ng masama ang Dios,
At nagsasabi sa kaniyang puso: Hindi mo (J)sisiyasatin?
14 Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay:
Ang walang nagkakandili ay napakukupkop (K)sa iyo; (L)Ikaw ay naging tagakandili sa ulila.
15 (M)Baliin mo ang bisig ng masama:
At tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan.
16 Ang Panginoon ay (N)Hari magpakailan-kailan man.
Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain.
17 Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo:
Iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig:
18 Upang (O)hatulan ang ulila at ang napipighati,
Upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.
Ang Panginoon ay kanlungan. Sa Pangulong manunugtog. Awit ni David.
11 Sa Panginoon ay (P)nanganganlong ako:
(Q)Ano't inyong sinasabi sa aking kaluluwa,
Tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok?
2 Sapagka't, (R)narito, binalantok ng masama ang busog,
Kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting, Upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso,
3 (S)Kung ang mga patibayan ay masira,
Anong magagawa ng matuwid?
4 (T)Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo,
Ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit;
Ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.
5 (U)Sinusubok ng Panginoon ang matuwid;
Nguni't ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa.
6 (V)Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo;
Apoy at azufre at nagaalab na hangin ay (W)magiging bahagi ng kanilang saro.
7 Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; (X)minamahal niya ang katuwiran:
(Y)Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.
Ang Panginoon ay tulong laban sa masama. Sa Pangulong manunugtog; itinugma sa Seminith. Awit ni David.
12 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay (Z)nalilipol;
Sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.
2 Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa:
(AA)Na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.
3 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi,
Ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:
4 Na nagsipagsabi, Sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami;
Ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?
5 Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan,
(AB)Titindig nga ako, sabi ng Panginoon;
Ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
6 (AC)Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita;
Na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa,
Na makapitong dinalisay.
7 Iyong iingatan sila, Oh Panginoon,
Iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.
8 Ang masama ay naggala saa't saan man.
Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.
Panalangin ng pagdaing sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
13 Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man?
(AD)Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?
2 Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa,
Na may kalumbayan sa aking puso buong araw?
Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?
3 Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios:
(AE)Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;
4 (AF)Baka sabihin ng aking kaaway,
Ako'y nanaig laban sa kaniya;
Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak (AG)pagka ako'y nakilos.
5 Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob.
Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:
6 Ako'y aawit sa Panginoon,
(AH)Sapagka't ginawan niya ako ng sagana.
Ang kamangmangan at kasamaan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
14 (AI)Ang (AJ)mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios:
(AK)Sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa;
Walang gumagawa ng mabuti,
2 Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
(AL)Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa,
Na hinahanap ng Dios.
3 Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 (AM)Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan?
(AN)Na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay,
(AO)At hindi nagsisitawag sa Panginoon.
5 Doo'y nangapasa malaking katakutan sila:
Sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
6 Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha,
Sapagka't ang Panginoon ang kaniyang (AP)kanlungan.
7 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling (AQ)sa Sion!
Kung (AR)ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.
Ang mamamayan sa banal na Bundok. Awit ni David.
15 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
(AS)Sinong tatahan sa iyong banal na (AT)bundok?
2 Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At (AU)nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
3 (AV)Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
4 Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
(AW)Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
5 (AX)Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, (AY)Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978