Mga Awit 53:2-81:3
Ang Biblia (1978)
2 Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
Upang tignan kung may sinomang nakakaunawa,
Na humanap sa Dios.
3 Bawa't isa sa kanila ay (A)tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay;
Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan?
(B)Na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay,
At hindi nagsisitawag sa Dios.
5 Doo'y nangapasa malaking katakutan sila (C)na hindi kinaroroonan ng takot:
Sapagka't (D)pinangalat ng Dios ang mga (E)buto niya na humahantong laban sa iyo;
Iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios.
6 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion.
(F)Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David: nang ang mga (G)Zipheo ay dumating at magsabi kay Saul, Hindi ba nagtatago si David doon sa amin?
54 Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan.
At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan.
2 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
Pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.
3 Sapagka't (H)ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin,
At ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa:
Hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah)
4 Narito, ang Dios ay aking katulong:
(I)Ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa.
5 Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway:
(J)Gibain mo sila sa iyong katotohanan.
6 (K)Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog:
Ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, (L)sapagka't mabuti.
7 Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan;
(M)At nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David.
55 (N)Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
At huwag kang magkubli sa aking pananaing.
2 Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako:
(O)Ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;
3 Dahil sa tinig ng kaaway,
Dahil sa pagpighati ng masama;
(P)Sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin,
At sa galit ay inuusig nila ako.
4 (Q)Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko:
At ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
5 (R)Katakutan at panginginig ay dumating sa akin,
At tinakpan ako ng (S)kakilabutan.
6 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati!
Lilipad nga ako, at magpapahinga.
7 Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo,
Ako'y titigil sa ilang. (Selah)
8 Ako'y magmamadaling sisilong
Mula sa malakas na hangin at bagyo.
9 Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika:
Sapagka't ako'y nakakita ng (T)pangdadahas at pagaaway sa bayan.
10 Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon:
Kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
11 Kasamaan ay nasa gitna niyaon;
Ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.
12 Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin;
Akin nga sanang nabata:
(U)Ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin;
Nagtago nga sana ako sa kaniya:
13 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko,
(V)Aking kasama at aking kaibigang matalik.
14 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama,
Tayo'y lumalakad na magkaakbay (W)sa bahay ng Dios.
15 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan,
(X)Mababa nawa silang buháy sa (Y)Sheol:
Sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.
16 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios;
At ililigtas ako ng Panginoon.
17 (Z)Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik:
At kaniyang didinggin ang aking tinig.
18 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin:
(AA)Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.
19 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila,
Siyang tumatahan ng una. (Selah)
Ang mga tao na walang mga pagbabago,
At hindi nangatatakot sa Dios.
20 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya:
Kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.
21 (AB)Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya:
Nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma:
Ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis,
(AC)Gayon ma'y mga bunot na tabak.
22 (AD)Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka:
Hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
23 Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan:
Mga mabagsik at magdarayang tao ay (AE)hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan;
Nguni't titiwala ako sa iyo.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Jonath-elem-rehokim. Awit ni David: Michtam: nang hulihin siya ng mga (AF)Filisteo sa Gat.
56 (AG)Maawa ka sa akin, Oh Dios: sapagka't sasakmalin ako ng tao:
Buong araw ay nangbababag siya na pinipighati ako.
2 Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw:
Sapagka't sila'y maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin.
3 Sa panahong ako'y matakot,
Aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo.
4 Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita),
Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, (AH)hindi ako matatakot;
Anong magagawa ng laman sa akin?
5 Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita:
Lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama.
6 Sila'y nagpipisan, (AI)sila'y nagsisipagkubli,
Kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang,
Gaya ng kanilang (AJ)pagaabang sa aking kaluluwa.
7 Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama?
Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan, Oh Dios.
8 Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala:
(AK)Ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya;
(AL)Wala ba sila sa iyong aklat?
9 Tatalikod nga ang aking mga kaaway sa kaarawan na ako'y tumawag:
Ito'y nalalaman ko, sapagka't ang (AM)Dios ay kakampi ko.
10 Sa Dios (ay pupuri ako ng salita),
Sa Panginoon (ay pupuri ako ng salita),
11 Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, (AN)hindi ako matatakot;
Anong magagawa ng tao sa akin?
12 Ang iyong mga panata ay sa akin, Oh Dios:
Ako'y magbabayad ng mga handog na pasalamat sa iyo.
13 Sapagka't (AO)iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan:
Hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog?
Upang ako'y makalakad sa harap ng Dios
(AP)Sa liwanag ng buhay.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (AQ)Awit ni David. Michtam; nang kaniyang takasan si Saul, sa yungib.
57 (AR)Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin;
Sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo.
Oo, sa (AS)lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako,
(AT)Hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
2 Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan;
Sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
3 (AU)Siya'y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako,
Pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah)
(AV)Susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.
4 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon:
Ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy,
Sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana,
At ang kanilang dila ay (AW)matalas na tabak.
5 (AX)Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
6 Kanilang hinandaan ng (AY)silo ang aking mga hakbang.
Ang aking kaluluwa ay nakayuko:
Sila'y nagsihukay ng isang (AZ)lungaw sa harap ko.
Sila'y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah)
7 (BA)Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag:
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri.
8 (BB)Gumising ka, (BC)kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa:
Ako'y gigising na maaga.
9 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
Ako'y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa.
10 (BD)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit,
At ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap.
11 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Awit ni David. Michtam.
58 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?
Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
2 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;
Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:
Sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
4 (BE)Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:
Sila'y (BF)gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
5 At hindi nakakarinig ng tinig (BG)ng mga enkantador,
Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
6 Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, (BH)Oh Dios, sa kanilang bibig:
Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
7 (BI)Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:
Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
8 Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:
(BJ)Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
9 (BK)Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,
(BL)Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 (BM)Magagalak ang matuwid pagka nakita niya (BN)ang higanti:
Kaniyang huhugasan (BO)ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 (BP)Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:
Katotohanang may Dios na (BQ)humahatol sa lupa.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (BR)Awit ni David. Michtam: nang magsugo si Saul, at kanilang bantayan ang bahay upang patayin siya.
59 Iligtas mo ako (BS)sa aking mga kaaway, Oh Dios ko:
Ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan,
At iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao.
3 Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa;
Ang mga makapangyarihan ay (BT)nagpipisan laban sa akin:
(BU)Hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon.
4 Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala:
(BV)Ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo.
5 Sa makatuwid baga'y ikaw, (BW)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel,
Ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa:
Huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah)
6 Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, (BX)sila'y nagsitahol na parang aso,
At nililigid ang bayan.
7 Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig;
(BY)Mga tabak ay nangasa kanilang mga labi:
Sapagka't (BZ)sino, sabi nila, ang nakikinig?
8 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, (CA)tatawa sa kanila;
Iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.
9 Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita;
(CB)Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
10 (CC)Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin:
Ipakikita ng Dios (CD)sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway.
11 (CE)Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan;
Pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo sila,
Oh Panginoon na kalasag namin.
12 (CF)Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi,
Makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan,
At dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.
13 (CG)Pugnawin mo sila sa poot, pugnawin mo sila, upang sila'y mawala:
At (CH)ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob,
Hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah)
14 At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila, pahagulhulin mo silang parang aso,
At libutin nila ang bayan.
15 (CI)Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain,
At maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog.
16 Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan;
Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan:
Sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog,
At kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan.
17 Sa iyo, Oh (CJ)kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri:
Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Susan-Heduth: Michtam ni David, upang ituro: nang siya'y makipagaway kay (CK)Aram-naharaim at kay Aram-soba, at bumalik si Joab, at sumugat sa Edom sa Libis ng Asin ng labing dalawang libo.
60 Oh Dios, (CL)iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami;
Ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami.
2 Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka:
(CM)Pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga.
3 (CN)Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay:
(CO)Iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray.
4 (CP)Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo,
Upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah)
5 (CQ)Upang ang (CR)iyong minamahal ay makaligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
6 (CS)Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
(CT)Aking hahatiin ang (CU)Sichem, at aking susukatin (CV)ang libis ng Succoth,
7 Galaad ay (CW)akin, at Manases ay akin;
Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo;
Juda ay (CX)aking setro.
8 (CY)Moab ay aking hugasan;
(CZ)Sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak;
Filistia, (DA)humiyaw ka dahil sa akin.
9 Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
10 (DB)Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios?
At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo.
11 Tulungan mo kami laban sa kaaway;
Sapagka't (DC)walang kabuluhan ang tulong ng tao.
12 Sa pamamagitan ng Dios ay (DD)gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang (DE)yumayapak sa aming mga kaaway.
Sa Pangulong Manunugtog; sa panugtog na kawad. Awit ni David.
61 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios;
Pakinggan mo ang aking dalangin.
2 Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso:
Patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
3 Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan,
(DF)Matibay na moog sa kaaway.
4 (DG)Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man:
Ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
5 Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: Ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
6 (DH)Iyong pahahabain ang buhay ng hari:
Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
7 Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob (DI)at katotohanan, upang mapalagi siya.
8 Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man.
(DJ)Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.
Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni David.
62 Sa (DK)Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa:
Sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
2 Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan:
Siya ang (DL)aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
3 Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao.
Upang patayin siya ninyong lahat,
(DM)Na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
4 Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan;
Sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan:
Sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, (DN)nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
5 Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang;
Sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
6 Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan:
Siya'y aking matayog na moog; (DO)hindi ako makikilos.
7 (DP)Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian;
Ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
8 Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan;
(DQ)Buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya;
Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
9 (DR)Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan:
Sa mga timbangan ay sasampa sila;
Silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10 Huwag kang tumiwala sa kapighatian,
At huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw:
(DS)Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
11 Ang Dios ay nagsalitang (DT)minsan,
Makalawang aking narinig ito;
(DU)Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
12 Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang (DV)kagandahang-loob:
Sapagka't (DW)ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.
(DX)Awit ni David, nang siya'y nasa ilang ng Juda.
63 Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang (DY)maaga:
Kinauuhawan ka (DZ)ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman,
Sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
2 Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario.
Upang tanawin ang (EA)iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.
3 (EB)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay:
Pupurihin ka ng aking mga labi.
4 Sa gayo'y pupurihin (EC)kita habang ako'y nabubuhay:
(ED)Igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
5 Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba;
At ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
6 Pagka (EE)naaalaala kita sa aking higaan,
At ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.
7 Sapagka't naging katulong kita,
At (EF)sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako.
8 Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo:
Inaalalayan ako ng iyong kanan.
9 Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak,
Magsisilusong sa mga lalong (EG)mababang bahagi ng lupa.
10 Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak:
Sila'y magiging pagkain sa mga zorra.
11 Nguni't (EH)ang hari ay magagalak sa Dios:
Bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay (EI)luluwalhati;
Sapagka't (EJ)ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
64 Dinggin mo ang tinig ko. Oh Dios, sa aking hibik:
Ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.
2 Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan;
Sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:
3 (EK)Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak,
At pinahilagpos ang kanilang mga (EL)palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:
4 Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako:
Biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.
5 Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala;
Sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo;
Sinasabi nila, (EM)Sinong makakakita?
6 Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan;
Aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat;
At ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim.
7 (EN)Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios;
Sila'y masusugatang bigla ng isang palaso.
8 Sa gayo'y sila'y (EO)matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila:
Ang lahat na makakita sa kanila ay (EP)mangaguuga ng ulo.
9 At lahat ng mga tao ay (EQ)mangatatakot;
At kanilang ipahahayag ang salita ng Dios,
At may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.
10 Ang matuwid ay (ER)matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;
At lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo. Awit ni David.
65 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo'y maisasagawa ang panata.
2 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin,
(ES)Sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
3 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin:
Tungkol sa aming pagsalangsang, ay (ET)lilinisin mo.
4 (EU)Mapalad ang tao na (EV)iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo,
(EW)Upang siya'y makatahan sa iyong mga looban:
(EX)Kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,
Ng iyong banal na templo.
5 Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay,
Oh Dios ng aming kaligtasan;
Ikaw na katiwalaan ng (EY)lahat na wakas ng lupa,
At nila na malayo sa dagat:
6 Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan;
Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
7 (EZ)Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat,
Ng hugong ng kanilang mga alon,
(FA)At ng kaingay ng mga bayan.
8 Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
9 (FB)Iyong dinadalaw ang lupa, at (FC)dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
(FD)Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga (FE)pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga[a] pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit, Salmo.
66 Magkaingay kayong may kagalakan (FF)sa Dios, buong lupa.
2 Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan:
Paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya.
3 Inyong sabihin sa Dios, (FG)Napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa!
Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo.
4 Buong lupa ay sasamba sa iyo,
At aawit sa iyo;
Sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)
5 (FH)Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios;
Siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
6 (FI)Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat:
Sila'y nagsidaan ng paa sa ilog:
Doo'y nangagalak kami sa kaniya.
7 Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man:
Papansinin (FJ)ng kaniyang mga mata ang mga bansa:
Huwag mangagpakabunyi (FK)ang mga manghihimagsik. (Selah)
8 Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan,
At iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
9 Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay,
At hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
10 Sapagka't (FL)ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami:
(FM)Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
11 Iyong isinuot kami sa silo;
Ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
12 Iyong pinasakay (FN)ang mga tao sa aming mga ulo;
(FO)Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig;
Nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
13 (FP)Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin,
Aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
14 Na sinambit ng aking mga labi,
At sinalita ng aking bibig, (FQ)nang ako'y nasa kadalamhatian.
15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin,
Na may haing mga tupa;
Ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
16 (FR)Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios,
At ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
17 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig,
At siya'y ibinunyi ng aking dila.
18 (FS)Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso,
Hindi ako didinggin ng Panginoon:
19 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios;
Kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
20 Purihin ang Dios,
Na hindi iniwaksi ang aking dalangin,
Ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.
67 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,
(FT)At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
2 (FU)Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,
Ang iyong pangligtas na kagalingan (FV)sa lahat ng mga bansa.
3 (FW)Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
4 Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:
Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,
At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
6 Isinibol (FX)ng lupa ang kaniyang bunga:
Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
7 Pagpapalain kami ng Dios:
At lahat ng mga wakas ng lupa ay (FY)mangatatakot sa kaniya.
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo ni David, Awit.
68 Bumangon nawa ang (FZ)Dios, mangalat ang kaniyang mga kaaway;
Sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya.
2 (GA)Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila.
(GB)Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy,
Gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios.
3 Nguni't mangatuwa (GC)ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios:
Oo, mangagalak sila ng kasayahan.
4 Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan:
(GD)Ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang;
(GE)Ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.
5 (GF)Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao,
Ang Dios sa kaniyang banal na tahanan.
6 Pinapagmamaganak (GG)ng Dios ang mga nagiisa:
(GH)Kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo:
Nguni't (GI)ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa.
7 Oh Dios, (GJ)nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan,
Nang ikaw ay lumakad sa ilang; (Selah)
8 (GK)Ang lupa ay nayanig,
Ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios:
Ang (GL)Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios, ng Dios ng Israel.
9 Ikaw, Oh Dios, naglagpak ng saganang ulan,
Iyong pinatibay ang iyong mana, noong ito'y mahina.
10 Ang iyong kapisanan ay tumahan doon:
Ikaw, Oh Dios, ipinaghanda mo ng iyong kabutihan ang dukha.
11 Nagbibigay ng salita ang Panginoon:
Ang mga babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo.
12 Mga hari ng mga hukbo ay (GM)nagsisitakas, sila'y nagsisitakas:
(GN)At nangamamahagi ng samsam ang naiwan sa bahay.
13 (GO)Mahihiga ba kayo sa gitna ng mga kulungan ng mga kawan,
(GP)Na parang mga pakpak ng kalapati na natatakpan ng pilak,
At ng kaniyang balahibo ng gintong madilaw?
14 Nang ang Makapangyarihan sa lahat ay magkalat ng mga hari roon,
Ay tila nagka nieve sa (GQ)Salmon.
15 Bundok ng Dios ay ang bundok ng Basan;
Mataas na bundok ang bundok ng Basan.
16 Bakit kayo'y nagsisiirap, kayong matataas na mga bundok,
(GR)Sa bundok na ninasa ng Dios na maging kaniyang tahanan?
Oo, tatahan doon ang Panginoon magpakailan man.
17 (GS)Ang mga karo ng Dios ay dalawang pung libo samakatuwid baga'y libolibo:
Ang Panginoon ay nasa gitna nila, kung paano sa Sinai, gayon sa santuario.
18 (GT)Sumampa ka sa mataas, (GU)pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag;
Tumanggap ka ng mga (GV)kaloob sa gitna ng mga tao, Oo, pati sa mga mapanghimagsik, upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios.
19 Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan,
Sa makatuwid baga'y ang Dios na siyang aming kaligtasan. (Selah)
20 Ang Dios sa amin ay Dios ng mga kaligtasan;
At (GW)kay Jehova na Panginoon ukol ang pagpapalaya sa kamatayan.
21 (GX)Nguni't sasaktan ng Dios ang ulo ng kaniyang mga kaaway.
Ang bunbunang mabuhok ng nagpapatuloy sa kaniyang sala.
22 Sinabi ng Panginoon, (GY)Ibabalik ko uli mula sa Basan,
Ibabalik ko uli sila mula sa mga kalaliman ng dagat:
23 (GZ)Upang madurog mo sila, na nalulubog ang iyong paa sa dugo,
(HA)Upang ang dila ng iyong mga aso ay magkaroon ng kaniyang pagkain sa iyong mga kaaway.
24 Kanilang nakita ang iyong mga lakad, Oh Dios,
Sa makatuwid baga'y ang lakad ng aking Dios, ng aking Hari, sa loob ng santuario.
25 (HB)Ang mga mangaawit ay nangagpauna, ang mga manunugtog ay nagsisunod,
(HC)Sa gitna ng mga dalaga na nagtutugtugan ng mga pandereta.
26 Purihin ninyo ang Dios sa mga kapisanan,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ninyong mga sa bukal ng (HD)lahi ng Israel.
27 Doo'y (HE)ang munting Benjamin ay siyang kanilang puno,
Ang mga pangulo ng Juda at ang kanilang pulong,
Ang mga pangulo ng Zabulon, ang mga pangulo ng Nephtali.
28 Ang Dios mo'y (HF)nagutos ng iyong kalakasan:
Patibayin mo, Oh Dios, ang ginawa mo sa amin.
29 Dahil sa iyong templo sa Jerusalem
(HG)Mga hari ay mangagdadala ng mga kaloob sa iyo.
30 Sawayin mo ang mga mailap na hayop sa mga puno ng tambo,
Ang karamihan ng mga toro na kasama ng mga guya ng mga bayan,
Na niyayapakan sa ilalim ng paa ang mga putol ng pilak;
Iyong pinangalat ang mga bayan na nangagagalak sa pagdidigma.
31 Mga pangulo ay (HH)magsisilabas sa Egipto;
Magmamadali ang (HI)Etiopia na igawad ang kaniyang mga kamay sa Dios.
32 Magsiawit kayo sa Dios, kayong mga kaharian sa lupa;
Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon.
33 Sa kaniya na (HJ)sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una:
Narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig,
34 Inyong isa Dios ang kalakasan:
Ang kaniyang karilagan ay nasa Israel,
At ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit.
35 Oh Dios, ikaw ay (HK)kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal:
Ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan.
Purihin ang Panginoon.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ni David.
69 Iligtas mo ako, Oh Dios; Sapagka't (HL)ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa.
2 Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan:
Ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos.
3 Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo:
Ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios.
4 (HM)Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo:
Silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan:
(HN)Akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.
5 Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko;
At ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo.
6 Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo,
Oh Panginoong Dios ng mga hukbo:
Huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel.
7 Sapagka't (HO)dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan;
Kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.
8 (HP)Ako'y naging iba sa aking mga kapatid,
At taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina.
9 (HQ)Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay;
(HR)At ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.
10 Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa,
Yao'y pagkaduwahagi sa akin.
11 Nang magsuot ako ng kayong magaspang,
Ay naging kawikaan ako sa kanila.
12 Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan;
At ako ang awit ng mga lango.
13 Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, (HS)sa isang kalugodlugod na panahon:
Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob,
14 (HT)Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog:
Maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.
15 Huwag akong tangayin ng baha,
Ni lamunin man ako ng kalaliman:
At huwag takpan ng (HU)hukay ang kaniyang bunganga sa akin.
16 Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti:
(HV)Ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin.
17 At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod;
Sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali.
18 Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo:
Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway.
19 Talastas mo ang (HW)aking kadustaan, at ang aking (HX)kahihiyan, at ang aking kasiraang puri:
Ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo.
20 Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at (HY)ako'y lipos ng kabigatan ng loob:
At ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala;
At mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan.
21 Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait;
(HZ)At sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom.
22 (IA)Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang;
At maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.
23 (IB)Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita;
At papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.
24 (IC)Ibugso mo ang iyong galit sa kanila,
At datnan sila ng kabangisan ng iyong galit.
25 (ID)Magiba ang tahanan nila;
Walang tumahan sa kanilang mga tolda.
26 Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan,
At (IE)sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.
27 (IF)At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan:
At huwag silang masok sa iyong katuwiran.
28 (IG)Mapawi sila sa aklat ng buhay,
(IH)At huwag masulat na kasama ng matuwid.
29 Nguni't ako'y dukha at mapanglaw:
Sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako.
30 Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios,
At dadakilain ko siya ng pasalamat.
31 At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka,
O sa toro na may mga sungay at mga paa.
32 (II)Nakita ng mga maamo, at nangatuwa:
(IJ)Mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios.
33 Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan,
At hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo.
34 (IK)Purihin siya ng langit at lupa,
Ng mga dagat, (IL)at ng bawa't bagay na gumagalaw roon.
35 (IM)Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda;
At sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari.
36 Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod;
At silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon.
Sa Pangulong Manunugtog. (IN)Awit ni David; upang umalaala.
70 (IO)Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako;
Magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon.
2 Mangapahiya at mangalito sila,
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa:
Mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri.
Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan.
3 (IP)Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan.
Silang nangagsasabi, Aha, Aha.
4 Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo;
At magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan:
Dakilain ang Dios.
5 Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
(IQ)Magmadali ka sa akin, Oh Dios:
Ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas;
Oh Panginoon, huwag kang magluwat.
Panalangin ng isang matandang tao sa pagliligtas.
71 Sa iyo (IR)Oh Panginoon, nanganganlong ako:
Huwag akong mapahiya kailan man.
2 (IS)Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako:
(IT)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako,
3 (IU)Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi:
(IV)Ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako;
Sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta.
4 Sagipin mo ako, (IW)Oh aking Dios, sa kamay ng masama,
Sa kamay ng liko at mabagsik na tao.
5 Sapagka't ikaw ay (IX)aking pagasa, Oh Panginoong Dios:
Ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
6 (IY)Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata:
Ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina:
Ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo.
7 (IZ)Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami;
Nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan.
8 Ang bibig ko'y (JA)mapupuno ng pagpuri sa iyo,
At ng iyong karangalan buong araw.
9 (JB)Huwag mo akong itakuwil sa katandaan;
Huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay.
10 Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin:
At silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian,
11 Na nangagsasabi, Pinabayaan siya ng Dios:
Iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas.
12 (JC)Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin:
Oh Dios ko, (JD)magmadali kang tulungan mo ako.
13 (JE)Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa;
Mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
14 Nguni't ako'y maghihintay na palagi,
At pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit.
15 (JF)Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran,
At ng iyong pagliligtas buong araw;
(JG)Sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang.
16 Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios:
Aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang.
17 Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan;
At hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
18 Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan;
Hanggang sa aking maipahayag ang (JH)iyong kalakasan sa sumusunod na lahi,
Ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating.
19 (JI)Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas;
Ikaw na (JJ)gumawa ng dakilang mga bagay,
(JK)Oh Dios, sino ang gaya mo.
20 (JL)Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan,
(JM)Bubuhayin mo uli kami,
At ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa.
21 Palaguin mo ang aking kadakilaan,
At bumalik ka uli, at aliwin mo ako.
22 Pupurihin din kita ng salterio,
Ang iyong katotohanan, Oh Dios ko;
Sa iyo'y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa,
(JN)Oh ikaw na Banal ng Israel.
23 Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo;
At ang (JO)kaluluwa ko, na iyong tinubos.
24 (JP)Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw:
(JQ)Sapagka't sila'y nangapahiya, sila'y nangalito, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
Ang paghahari ng matuwid na hari. Awit ni Salomon.
72 Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios,
At ang (JR)iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari.
2 (JS)Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran,
At ang iyong dukha, ng kahatulan.
3 (JT)Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan,
At ang mga gulod, sa katuwiran.
4 Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan,
Kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan,
At pagwawaraywarayin ang mangaapi.
5 Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili (JU)ang araw,
At habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi.
6 (JV)Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo:
Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa.
7 Sa kaniyang mga kaarawan ay (JW)giginhawa ang mga matuwid;
At saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan.
8 (JX)Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat,
At mula sa Ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
9 Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod (JY)sa kaniya;
At hihimuran ng (JZ)kaniyang mga kaaway ang alabok.
10 (KA)Ang mga hari ng Tharsis, at (KB)sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob;
Ang mga hari sa (KC)Sheba at (KD)Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob.
11 Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya:
Lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.
12 Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing;
At ang dukha na walang katulong.
13 Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan,
At ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas.
14 Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan;
(KE)At magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin:
15 At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba:
At dadalanginang lagi siya ng mga tao:
Pupurihin nila siya buong araw.
16 Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok;
Ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano:
At silang sa bayan ay giginhawa na (KF)parang damo sa lupa.
17 Ang kaniyang pangalan ay (KG)mananatili kailan man;
Ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw:
(KH)At ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya;
(KI)Tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.
18 (KJ)Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel,
Na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay:
19 At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man;
(KK)At mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian.
(KL)Siya nawa, at Siya nawa.
20 Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos.
IKATLONG AKLAT
Ang katapusan ng matuwid at masama ay pinagparis. Awit ni Asaph.
73 Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel.
Sa mga malilinis sa puso.
2 Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay:
Ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas.
3 (KM)Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog,
Nang aking makita ang kaginhawahan ng masama.
4 Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan:
Kundi ang kanilang kalakasan ay (KN)matatag.
5 Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao;
Na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao.
6 Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg:
Tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan.
7 Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan:
Sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso.
8 Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati:
(KO)Sila'y nangagsasalitang may kataasan.
9 Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit,
At ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa.
10 Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan:
At tubig ng punong saro ay nilalagok nila.
11 At kanilang sinasabi, (KP)Paanong nalalaman ng Dios?
At may kaalaman ba sa Kataastaasan?
12 Narito, ang mga ito ang masama;
(KQ)At palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan,
13 (KR)Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso,
(KS)At hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala;
14 Sapagka't buong araw ay nasalot ako,
At naparusahan tuwing umaga.
15 Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito;
Narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak.
16 Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito,
Ay napakahirap sa ganang akin;
17 Hanggang (KT)sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios,
At aking nagunita (KU)ang kanilang huling wakas,
18 Tunay na iyong inilagay (KV)sila sa mga madulas na dako:
Iyong inilugmok sila sa kapahamakan.
19 Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali!
Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan.
20 (KW)Ang panaginip sa pagkagising:
Sa gayon, Oh Panginoon, (KX)pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan.
21 Sapagka't ang puso ko'y namanglaw,
At sa aking kalooban ay nasaktan ako:
22 (KY)Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos;
Ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo.
23 Gayon ma'y laging sumasaiyo ako:
Iyong inalalayan ang aking kanan.
24 (KZ)Iyong papatnubayan ako ng iyong payo,
At (LA)pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
25 (LB)Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw?
At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo.
26 (LC)Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay:
Nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at (LD)bahagi ko magpakailan man.
27 Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol:
Iyong ibinuwal silang lahat, (LE)na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo.
28 Nguni't mabuti sa akin (LF)na lumapit sa Dios;
Ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios,
(LG)Upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.
Masquil ni Asaph.
74 Oh Dios, bakit mo itinakuwil (LH)kami magpakailan man?
Bakit ang iyong galit ay (LI)umuusok laban sa mga (LJ)tupa ng iyong pastulan?
2 Alalahanin mo ang iyong kapisanan (LK)na iyong binili ng una,
Na iyong tinubos upang maging lipi ng (LL)iyong mana;
At ang bundok ng Sion na iyong tinahanan.
3 Itaas mo ang iyong mga paa (LM)sa mga walang hanggang guho,
Ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario.
4 (LN)Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan;
(LO)Kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda.
5 Sila'y tila mga tao na nangagtaas
Ng mga palakol sa mga kakahuyan.
6 At ngayo'y lahat (LP)ng gawang inanyuan doon.
Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok.
7 (LQ)Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario;
Kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa.
8 (LR)Kanilang sinabi sa kanilang puso,
Ating gibaing paminsan:
Kanilang sinunog ang lahat na sinagoga ng Dios sa lupain.
9 Hindi namin nakikita ang aming mga tanda:
(LS)Wala nang propeta pa;
At wala mang sinoman sa amin na nakakaalam kung hanggang kailan.
10 Hanggang kailan, Oh Dios, mangduduwahagi ang kaaway?
Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man?
11 (LT)Bakit mo iniuurong ang iyong kamay, ang iyong kanan?
Ilabas mo sa iyong sinapupunan, at iyong lipulin sila.
12 Gayon ma'y ang (LU)Dios ay aking Hari ng una,
Na nagliligtas sa gitna ng lupa.
13 (LV)Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan:
(LW)Iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga (LX)buwaya sa mga tubig.
14 Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng (LY)leviatan,
Ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang.
15 (LZ)Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog:
(MA)Iyong tinutuyo ang mga malaking ilog.
16 Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin:
Iyong inihanda ang liwanag at ang araw.
17 Iyong (MB)inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa:
Iyong ginawa ang taginit at taginaw.
18 (MC)Iyong alalahanin ito, na nangduwahagi ang kaaway, Oh Panginoon,
At nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan.
19 Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa (MD)ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop:
Huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man.
20 (ME)Magkaroong pitagan ka sa tipan:
Sapagka't ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan.
21 (MF)Oh huwag bumalik na may kahihiyan ang naaapi:
Pupurihin ng dukha at mapagkailangan ang iyong pangalan.
22 Bumangon ka, Oh Dios, ipaglaban mo ang iyong sariling usap:
Alalahanin mo kung paanong dinuduwahagi ka ng mangmang buong araw.
23 Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kaaway:
Ang ingay niyaong nagsisibangon laban sa iyo ay patuloy na lumalala.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Salmo ni Asaph, Awit.
75 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios:
Kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay (MG)malapit:
Isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.
2 Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan,
Hahatol ako ng matuwid.
3 Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw:
Aking itinayo ang mga (MH)haligi niyaon. (Selah)
4 Aking sinabi sa (MI)hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan:
At sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
5 Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas;
Huwag kang magsalitang may (MJ)matigas na ulo.
6 Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran,
O mula man sa timugan, ang pagkataas.
7 Kundi ang (MK)Dios ay siyang hukom:
(ML)Kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
8 Sapagka't (MM)sa kamay ng Panginoon ay may (MN)isang saro, at ang alak ay bumubula;
Puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din:
Tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
9 Nguni't aking ipahahayag magpakailan man,
Ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.
10 (MO)Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay;
Nguni't (MP)ang mga sungay ng matuwid ay matataas.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo ni Asaph, Awit.
76 Sa Juda (MQ)ay kilala ang Dios:
Ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel.
2 Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo,
At ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion.
3 (MR)Doo'y binali niya ang mga pana ng busog;
At kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah)
4 Maluwalhati ka at marilag, (MS)Mula sa mga bundok na hulihan.
5 Ang mga puso na matapang ay nasamsaman,
Sila'y (MT)nangatulog ng kanilang pagtulog;
At wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay.
6 (MU)Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob,
Ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.
7 Ikaw, ikaw ay katatakutan:
At (MV)sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit?
8 Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit;
Ang lupa ay natakot, at tumahimik,
9 Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol,
Upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah)
10 (MW)Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao:
Ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo.
11 (MX)Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios:
Magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, (MY)yaong lahat na nangasa buong palibot niya.
12 Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo:
Siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa.
Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni Asaph.
77 Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios;
Sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.
2 (MZ)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon:
Ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay;
(NA)Tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.
3 Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa:
Ako'y (NB)nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
4 Iyong pinupuyat ang mga mata ko:
Ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
5 (NC)Aking ginunita ang mga araw ng una,
Ang mga taon ng dating mga panahon.
6 Aking inaalaala ang awit ko (ND)sa gabi:
Sumasangguni ako sa aking sariling puso;
At ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
7 (NE)Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man?
At (NF)hindi na baga siya lilingap pa?
8 Ang kaniya bang kagandahangloob ay lubos na nawala magpakailan man?
Natapos na bang walang hanggan (NG)ang kaniyang pangako?
9 Nakalimot na ba ang Dios na (NH)magmaawain?
Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)
10 At aking sinabi, (NI)Ito ang sakit ko;
Nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.
11 (NJ)Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon;
Sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa,
At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay (NK)nasa santuario:
(NL)Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:
Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
15 Iyong tinubos (NM)ng kamay mo ang iyong bayan,
Ang mga anak ng Jacob (NN)at ng Jose. (Selah)
16 (NO)Nakita ka ng tubig, Oh Dios;
Nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot:
Ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;
(NP)Ang langit ay humugong:
Ang mga (NQ)pana mo naman ay nagsihilagpos.
18 Ang (NR)tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;
Tinanglawan (NS)ng mga kidlat ang sanglibutan:
Ang lupa ay nayanig at umuga.
19 Ang daan mo'y (NT)nasa dagat,
At ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig,
At ang bakas mo'y hindi nakilala.
20 (NU)Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na (NV)parang kawan,
Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.
Ang pagakay ng Panginoon sa kaniyang bayan sa kabila ng pagkawalang tiwala. Masquil ni Asaph.
78 Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan:
Ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
2 (NW)Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga;
Ako'y magsasalita ng mga malabong (NX)sabi ng una:
3 (NY)Na aming narinig at naalaman,
At isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
4 (NZ)Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak,
(OA)Na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon,
At ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
5 Sapagka't siya'y nagtatag ng (OB)patotoo sa Jacob,
At nagtakda ng kautusan sa Israel,
Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang,
Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
6 (OC)Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak;
Na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
7 Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios,
At huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios,
Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
8 At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang,
(OD)May matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi;
Isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso,
At ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
9 Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog,
At nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
10 Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios,
At nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
11 At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa,
At ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
12 Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya (OE)sa paningin ng kanilang mga magulang,
Sa lupain ng Egipto, (OF)sa parang ng Zoan.
13 (OG)Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila;
At kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
14 (OH)Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap,
At buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
15 (OI)Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang,
At pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
16 Nagpabukal naman siya mula sa bato.
At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
17 Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya,
(OJ)Upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
18 At kanilang (OK)tinukso ang Dios sa kanilang puso,
Sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
19 Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios;
Kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
20 (OL)Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak,
At mga bukal ay nagsisiapaw;
Makapagbibigay ba siya ng tinapay naman?
Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
21 Kaya't narinig ng Panginoon, (OM)at napoot:
At isang apoy ay nagalab laban sa Jacob,
At galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
22 Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios,
At hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
23 Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas,
At binuksan ang mga pintuan ng langit;
24 (ON)At pinaulanan niya sila ng mana upang makain.
At binigyan sila ng (OO)trigo ng langit.
25 Kumain ang tao ng (OP)tinapay ng makapangyarihan:
Pinadalhan niya sila ng pagkain Hanggang sa nangabusog.
26 (OQ)Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit:
At sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
27 Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok,
At ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
28 (OR)At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento,
Sa palibot ng kanilang mga tahanan.
29 Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti;
At ibinigay niya sa kanila ang (OS)kanilang pita.
30 Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita,
Ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
31 Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila,
At (OT)pumatay sa mga pinakamataba sa kanila,
At sinaktan ang mga binata sa Israel.
32 Sa lahat ng ito ay (OU)nangagkasala pa sila,
At hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
33 (OV)Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa (OW)walang kabuluhan,
At ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
34 (OX)Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
35 At kanilang naalaala na ang (OY)Dios ay kanilang malaking bato,
At ang Kataastaasang Dios ay (OZ)kanilang manunubos.
36 Nguni't tinutuya nila (PA)siya ng kanilang bibig,
At pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
37 Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya,
Ni tapat man sila sa kaniyang tipan.
38 (PB)Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol:
Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit,
At hindi pinukaw ang buo niyang poot.
39 (PC)At naalaala niyang (PD)sila'y laman lamang;
Hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
40 Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang,
At pinapanglaw nila (PE)siya sa ilang!
41 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios,
At minungkahi ang Banal ng Israel.
42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay,
Ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
43 (PF)Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto,
At ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 (PG)At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog,
At ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
45 (PH)Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila;
At mga (PI)palaka, na nagsigiba sa kanila.
46 Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong,
At ang kanilang pakinabang sa (PJ)balang.
47 Sinira niya ang (PK)kanilang ubasan ng granizo,
At ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
48 (PL)Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo,
At sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
49 Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit,
Poot at galit, at kabagabagan,
Pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
50 Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit;
Hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan,
Kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
51 (PM)At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto,
Ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni (PN)Cham:
52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na (PO)parang mga tupa,
At pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot:
Nguni't (PP)tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang (PQ)santuario,
Sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila,
At (PR)binahagi sa kanila na pinakamana (PS)sa pamamagitan ng pising panukat,
At pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios,
At hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang:
Sila'y nagsilisyang (PT)parang magdarayang busog.
58 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga (PU)mataas na dako,
At kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
59 Nang marinig ito ng Dios, ay napoot,
At kinayamutang lubha ang Israel:
60 (PV)Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng (PW)Silo,
Ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 At ibinigay ang kaniyang (PX)kalakasan sa pagkabihag,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 (PY)Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak;
At napoot sa kaniyang mana.
63 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata;
At (PZ)ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 (QA)Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak;
At (QB)ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
65 Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya (QC)ng mula sa pagkakatulog,
Gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
66 At (QD)sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway:
Inilagay niya sila sa laging kadustaan.
67 Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose,
At hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
68 Kundi pinili ang lipi ni Juda,
Ang bundok ng Zion (QE)na kaniyang inibig.
69 At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan,
Parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
70 (QF)Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod,
At kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
71 (QG)Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso,
Upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
72 Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa (QH)pagtatapat ng kaniyang puso;
At pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.
Hinagpis dahil sa pagka sira ng Jerusalem, at panalangin sa paghingi ng tulong. Awit ni Asaph.
79 Oh Dios, (QI)ang mga bansa ay dumating sa (QJ)iyong mana;
(QK)Ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan;
(QL)Kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.
2 Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay (QM)ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid,
Ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.
3 Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem;
(QN)At walang naglibing sa kanila.
4 (QO)Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit,
Kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin.
5 Hanggang kailan, Oh Panginoon, magagalit ka magpakailan man?
(QP)Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy?
6 (QQ)Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo,
At sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan.
7 Sapagka't kanilang nilamon ang Jacob,
At inilagay na sira ang kaniyang tahanan.
8 (QR)Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang:
Magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami:
Sapagka't kami ay totoong hinamak.
9 Iyong tulungan kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan:
At iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, (QS)dahil sa iyong pangalan.
10 (QT)Bakit sasabihin ng mga bansa,
Saan nandoon ang kanilang Dios?
Ang (QU)kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod
Maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin.
11 (QV)Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag;
Ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:
12 At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa (QW)makapito (QX)sa kanilang sinapupunan,
Ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon.
13 Sa gayo'y (QY)kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo
Mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man:
Aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim Eduth. Awit ni Asaph.
80 Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel,
Ikaw na pumapatnubay (QZ)sa Jose na (RA)parang kawan;
(RB)Ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
2 Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay (RC)mapukaw nawa ang kapangyarihan mo,
At parito kang iligtas mo kami.
3 Papanumbalikin mo kami, (RD)Oh Dios;
At pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.
4 (RE)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
Hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan?
5 (RF)Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha,
At binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.
6 (RG)Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa:
At ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.
7 Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo;
At pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.
8 Ikaw ay nagdala ng (RH)isang puno ng ubas mula sa Egipto;
(RI)Iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon.
9 Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya,
At napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.
10 Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon,
At ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios.
11 Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat,
At ang kaniyang mga suwi hanggang (RJ)sa ilog.
12 (RK)Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod,
Na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?
13 Sinisira ng baboy-ramo.
At sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
14 Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo:
Tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,
15 At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan,
At ang (RL)suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili.
16 (RM)Nasunog ng apoy, at naputol:
Sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha.
17 (RN)Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan.
(RO)Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.
18 Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo:
Buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan.
19 (RP)Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo;
Pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni Asaph.
81 Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan:
(RQ)Mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob,
2 Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta,
Ang masayang alpa sangpu ng salterio.
3 Magsihihip kayo ng (RR)pakakak (RS)sa bagong buwan,
Sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan.
Footnotes
- Mga Awit 65:13 Is. 55:12.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978