Add parallel Print Page Options

15 At lumabas ang ibang anghel (A)sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap, (B)Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka; sapagka't dumating ang oras ng paggapas, sapagka't ang aanihin sa lupa ay hinog na.

16 At inihagis ng nakaupo sa alapaap ang kaniyang panggapas sa lupa; at ang lupa ay nagapasan.

17 At lumabas ang ibang anghel (C)sa templong nasa langit, na may panggapas din namang matalas.

18 At ang ibang anghel ay lumabas (D)sa dambana, na siyang may kapangyarihan sa apoy, at tinawagan ng malakas na tinig yaong may panggapas na matalas, na sinasabi, (E)Ihulog mo ang iyong panggapas na matalas, at putihin mo ang mga buwig sa ubasan sa lupa; sapagka't ang kaniyang mga ubas ay mga hinog na.

19 At inihagis ng anghel ang kaniyang panggapas sa lupa, at pinuti ang mga ubas sa lupa, at inihagis sa (F)pisaan ng ubas, sa malaking pisaan ng kagalitan ng Dios.

Read full chapter