Add parallel Print Page Options

Muli(A) silang umawit, “Aleluia! Walang tigil na tataas ang usok na mula sa nasusunog na lungsod!” Ang dalawampu't apat (24) na matatandang pinuno at ang apat na nilalang na buháy ay nagpatirapa at sumamba sa Diyos na nakaupo sa trono. Sabi nila, “Amen! Aleluia!”

Ang Handaan sa Kasalan ng Kordero

May(B) nagsalita mula sa trono, “Purihin ninyo ang ating Diyos, kayong lahat na mga lingkod niya, dakila o hamak man, kayong may banal na takot sa kanya!” Pagkatapos(C) ay narinig ko ang parang sama-samang tinig ng napakaraming tao, parang ugong ng rumaragasang tubig at dagundong ng mga kulog. Ganito ang sabi ng tinig, “Aleluia! Sapagkat naghahari ang Panginoon nating Diyos na Makapangyarihan sa lahat! Magalak tayo at magsaya! Luwalhatiin natin siya sapagkat sumapit na ang kasal ng Kordero at inihanda na ng kasintahang babae ang kanyang sarili. Binihisan siya ng malinis at puting-puting lino.” Ang lino ay ang mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos.

Read full chapter

At (A) nagsalita silang muli,

“Aleluia!
Ang usok mula sa tanyag na lungsod ay pumapailanlang magpakailanpaman.”

At ang dalawampu't apat na matatanda at ang apat na buháy na nilalang ay nagpatirapa at sumamba sa Diyos na nakaupo sa trono. At sila'y nagsabi,

“Amen. Aleluia!”

Mula (B) sa trono ay lumabas ang isang tinig,

“Purihin ninyo ang ating Diyos,
    kayong lahat na mga lingkod niya,
kayong mga natatakot sa kanya,
    mga hamak man o dakila.”

At (C) narinig ko ang parang tinig ng napakaraming tao, tulad ng lagaslas ng maraming tubig at tulad ng malalakas na dagundong ng kulog, na nagsasabi,

“Aleluia!
Sapagkat ang Panginoon nating Diyos
    na Makapangyarihan sa lahat ay naghahari.
Magalak tayo at magdiwang,
    luwalhatiin natin siya,
sapagkat sumapit na ang kasal ng Kordero,
    at inihanda ng kanyang kasintahan ang kanyang sarili.
Binigyan siya ng pinong lino
    makintab at malinis upang isuot niya”—

sapagkat ang pinong lino ay ang matutuwid na gawa ng mga banal.

Read full chapter