Apocalipsis 5:9-14
Ang Biblia (1978)
9 At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi,
Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios (A)ng iyong dugo (B)ang mga tao (C)sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.
10 At sila'y (D)iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.
11 At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; (E)at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo;
12 Na nangagsasabi ng malakas na tinig,
Karapatdapat (F)ang Cordero na pinatay upang tumanggap (G)ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala.
13 At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi,
Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, (H)at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man.
14 At (I)ang apat na nilalang na buhay ay nagsabi, (J)Siya nawa. At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978